Miyerkules, Marso 22, 2017

REAKSYON TUNGKOL SA KASAYSAYAN NG LITERATURA:



➨   Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayanmaikling kuwento o maikling kathasanaysaytuladulanobeladramabalagtasanparabulabugtongsalawikain,kasabihanpabulaalamattanagabulongawiting-bayanepikopelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.  May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.
Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.
REAKSYON TUNGKOL SA PAGSAKOP NG ESPANOL SA PILIPINAS:


➨   Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, naging magulo na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Layunin ng mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Mayroong dalawang estratehiya sa pananakop ang mga  Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang Kristiyanisasyon. Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito ay isinasagisag ng espada. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar. Subalit naging mas epektibo ang paggamit ng ebanghelisasyon na pinamunuan ng mga prayleng Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus, rosaryo at dasal. Nabihag naman nila ang puso ng mga pilipino dahil sa pamamaraang ito. Nagpatupad sila ng mga patakaran katulad na lamang ng Entrada, Reduccion at Doctrina, na nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino. Entrada; ito ang unang pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na ginamitan nila ng puwersang militar. Matapos nito sumunod naman ang mga paring misyonero at mga pinunong sibilyan naman ang pumasok sa bagong sakop na katutubong komunidad. Sila ang nangasiwa sa organisasyong politikal sa pamamagitan ng reduccion. Samantala, ang mga paring misyonero naman ang nangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Sila ang nangangasiwa sa pabibinyag ng mga katutubong itinurin nilang pagano.

     

Martes, Marso 21, 2017

REAKSYON TUNGKOL SA BLOG:


➨  Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.
Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan(photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.
Ang salitang weblog ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong 17 Disyembre 1997. Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng journalism ang blogging. Sa Pilipinas noong Disyembre 2009, isang photoblog ang nagsilbing pinanggalingan ng halos lahat ng mga pangkat pambalita para ibalita ang isang sunog noong buwang iyon. Pero, nagmula rin sa blog ang karamihan sa mga kontrobersiyang kadalasan ay nagpapatama sa mga mahahalagang personalidad.


HAL.
        Image result for ano ang BLOG
REAKSYON TUNGKOL SA KOMIKS:


➨  Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isangsalaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

HAL. 
         
REAKSYON TUNGKOL SA ANIME:


➨ Ang anime ay isang daglatin ng salitang animasyon (gumagalaw na kartun o guhit larawan) sa Hapon, na kadalasang tinatawag na Japanimation o Haponimasyon sa Kanluraning mundo. Ito ay ginagamit eksklusibo lamang sa mga animasyong galing sa bansang Hapon. Sa madaling salita, hindi lahat ng animasyon ay anime, at ang anime ay isang uri lamang ng animasyon.
Kadalasang gumagamit ito ng mga istilong makukulay na mga larawan na nagsasalarawan ng mga maliliwanag na mga karakter sa mga iba't ibang tagpo at linya ng istorya, na sinsadyang makuha ang malawak na tagapanood.Ang mga ganitong guhit ay madalas ginagawang makatotohanan para magkaroon ng katuturan ang anime na ilalabas. Ang istilo ng pag-gawa ay maaaring guhit-kamay o may tulong mula sa mga computer. Ang anime ay maaaring ipalabas sa telebisyon, ibenta sa pamamagitan ng VHSVCD o DVD. May mga pelikula na anime din na nagawa. Malaki ang impluwensya ng mga maiikling nobela at komiks na Hapon o manga sa anime. May mga istorya din na isinalin sa mga "live action" na pelikula at mga serye sa telebisyon.
Ika ng ibaPadron:Who, sumosobra minsan ang anime. May mga anime na makikitaan mo ng kahalayan at pagiging bayolente. May anime pa nga na nambabastos sa mga uniporme ng Nazi na napakaganda at binababoy ng mga tauhan ng anime na iyon ang kasaysayan sa pagsisingit ng pantasya at kawalang-katuturan sa mga tunay na pangyayari. Tulad ng lahat ng animation, ang produksyon ng mga proseso ng storyboarding, voice acting, character disenyo, buo na produksyon at sa gayon pa rin mag-aplay. Sa pamamagitan ng pagpapabuti sa computer technology, ang computer animation ay nadagdagan ang kahusayan ng buong proseso ng produksyon.
Ang anime ay madalas na itinuturing na isang porma ng limitadong animation. Ito ay nangangahulugan na ang istilo, kahit na sa mas malaki ang produksyong na ng limitadong animation ay ginagamit upang lokohin ang mga mata sa pag-iisip ng may mas marami pang galaw kaysa sa naroon na.[1] Marami sa mga pamamaraan na ginamit ay napapaloob nangmay cost-cutting na hakbang habang nagtatrabaho sa ilalim ng isang set na badyet.


HAL.
        Image result for ano ang ANIMEImage result for ano ang ANIMEImage result for ano ang ANIME
REAKSYON TUNGKOL SA MAGASINE:


Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo, pagbebenta sa mga tindahan ng pahayaganaklat o ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan. Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

HAL.
Image result for ano ang MAGASIN
        Image result for ano ang MAGASINImage result for ano ang MAGASINImage result for ano ang MAGASIN